Umabot na sa 1,027 local government units (LGUs) ang may disaster risk reduction at climate change adaptation measures sa kanilang local development plans.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), 1,027 lungsod at munisipalidad ang fully o partially risk-informed.
Sa 1,299 LGUs na sinuri, 272 ang hindi pa risk-informed.
Patuloy ang DILG sa pagbibigay ng technical assistance para mapalakas ang paghahanda ng mga LGU bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng Operation L!STO at pagpapalawak ng Unified 911 emergency response system.