Grupong PISTON, may 2-day strike sa susunod na linggo
Magkakasa ang grupong PISTON ng dalawang araw na malawakang kilos protesta sa September 29 at 30 sa gitna ng patuloy na oil price hike.
Ayon kay PISTON President Mody Floranda, makakasama rin nila rito ang labor at urban poor groups.
Kabilang sa ipinapanawagan ng grupo ang agarang pag-alis ng excise tax at value added tax sa fuel products.
Una nang sinabi ng Development Budget Coordination Committee na isinasapinal nito ang panukala sa posibleng fuel excise tax relief.