Social media post na mayroon umanong 2 nasawi sa kasagsagan ng mga aktibidad kahapon, fake news
Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa pagkasawi umano ng dalawang indbidwal sa kasagsagan ng mga idinaos na aktibidad kahapon, Setyembre 21.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Allen Rae Co, “fake news” ang naturang impormasyon at walang batayan.
Paggigiit ng Pambansang Pulisya, “Generally Peaceful” ang mga ikinasang aktibidad ng iba’t ibang grupo, kahapon.
Nabatid na sa kumalat na Facebook post, sinabi ng netizen na dalawa ang nasawi sa gates ng Malacañang, kahapon.