Target ng Department of Agriculture na gamitin ang millet bilang alternatibo sa mais para sa animal feeds.
Sinuri ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang millet at iba pang feed ingredients sa kanyang pagbisita sa India, na may malawak na karanasan sa pagtatanim ng drought-tolerant crops.
Maaari umanong maging alternatibong feed source ang millet dahil mas kaunti ang tubig na kailangan nito kumpara sa mais, lalo na kapag naaapektuhan ng tagtuyot ang produksyon ng feed crops.
Kasabay nito, pinalalawak ng DA ang carabao at dairy industries sa pamamagitan ng ₱237.9-milyong facility ng Philippine Carabao Center para sa sex-sorting ng buffalo semen.
Layunin ng PCC na makagawa ng 170,000 sex-sorted semen straws kada taon upang madagdagan ang female carabaos para sa dairy production at mapalawak ang local herd.
Ayon kay Tiu Laurel, mahalaga ang lokal na produksyon at pagproseso ng feed para mapababa ang gastos, mapataas ang productivity, at mapalakas ang livestock industry.