Inaprubahan na ng National Commission on Indigenous Peoples ang aplikasyon para sa ancestral domain title ng Ayta-Magbukun sa Bataan na sumasaklaw sa halos 14,977 ektarya.
Sakop ng aplikasyon ang mga lupain sa Abucay, Bagac, Orani, Samal at Balanga City.
Ayon kay NCIP Chairperson Secretary Nancy Catamco, inihain ang aplikasyon noong 2012 at dumaan sa validation ng mga ebidensya, survey, mapping, publication at technical review.
Ang pag-apruba ay hakbang tungo sa pormal na pagkilala sa karapatan ng komunidad sa kanilang ancestral domain. Tinitiyak ng NCIP ang maayos at masusing pagproseso ng mga ancestral domain claim.