Photo courtesy of Department of Education (DepEd)
Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) sa House of Representatives matapos aprubahan sa plenaryo ang panukalang ₱975.96 bilyong budget ng ahensya para sa 2027.
Katumbas ito ng 13.55% ng kabuuang ₱7.2 trilyon pambansang budget.
Suportado rin ng mga mambabatas ang pagdaragdag at pagbabalik ng pondo sa mga programang hindi naisama sa National Expenditure Program, gaya ng seguridad sa paaralan, mental health, learning recovery, at pagkuha ng mga bagong guro.

Pinuri ni Education Secretary Sonny Angara ang pamunuan ng Kamara. Makatutulong umano ang suportang ito upang maprotektahan ang mga mag-aaral, masuportahan ang mga guro, at mapabilis ang learning recovery.
Tiniyak naman ni Angara na magagamit nang tapat at epektibo ang pondo na aniya ay magbibigay ng makabuluhang pagbabago sa sektor ng edukasyon.