Nagkasundo ang Philippine Coast Guard o PCG at Canadian Coast Guard o CCG na palakasin pa ang kanilang maritime cooperation.
Ito ay matapos ang bilateral meeting sa National Headquarters ng PCG sa Port Area, Manila, noong Setyembre 17, 2026, na nakatuon sa maritime security, maritime domain awareness, capacity building, at pagpapalakas ng papel ng coast guards sa pagsusulong ng rules-based international order.
Sa pagpupulong, nagpalitan ng kaalaman ang dalawang panig hinggil sa mga hamon sa maritime security at binigyang-diin ang kahalagahan ng coast guards sa maritime safety, law enforcement, at regional stability.
Ibinahagi rin ng PCG ang strategic significance ng West Philippine Sea, pati na ang mga bagong hakbang sa international engagement at operational capabilities nito.
Nagtapos ang pagpupulong sa pagpapahayag ng optimismo para sa mas pinalawak na Canada-Philippines maritime cooperation, tungo sa mas ligtas, secure at matatag na maritime environment sa Indo-Pacific region.