Inaasahan ang mas kaunting buhos ng ulan sa maraming lugar sa bansa simula sa Oktubre.
Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, batay sa kanilang projections, 45 lalawigan ang makararanas ng dry condition habang drought condition sa walong probinsya.
Inaasahang mas maraming lalawigan ang maaapektuhan ng dry conditions, dry spells, at drought habang lumalakas ang El Niño.
Ikino-konsidera namang pinaka critical period mula January hanggang March 2027 kung saan posibleng tumaas ang bilang ng mga lugar na makararanas ng drought.
Nakikitang made-develop sa very strong ang kasalukuyang strong El Niño sa huling quarter ng 2026 at tatagal hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Hinimok ng PAGASA ang publiko, local governments, at mga sektor na seryosohin ang forecasts at warnings dahil posibleng makaapekto ang mga pag-ulan at water resources sa buong bansa.