Mas pag-iigtingin ng National Capital Region Police Office ang polive visibility, seguridad sa mga ruta at intelligence at information monitoring bilang paghahanda sa isasagawang 49th ASEAN Summit at Related Summit sa Metro Manila sa Nobyembre.
Ayon sa NCRPO, ngayong pa lang nais na nilang matiyak na pulido at maayos ang deployment ng kanilang nga tauhan kaya patuloy din ang kanilang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines para sa pagpapakalat ng mga law enforcements sa mga istratehikong lugar.
Kabilang naman sa mariing babantayan ay ang venue, hotel, dadaanang ruta at iba pang mga ligar na maaaring puntahan ng nga delegado. Tinitiyak din ng NCRPO na sa tulong ng iba’t-ibang traffic management agencies at LGU magiging maayos ang pagdaan ng convoy ng mga delegado na hindi nakakaperwisyo sa mga motorista.
Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano ang layunin nila maging maayos at ligtas ang Metro Manila para sa mga ASEAN leaders, delegado at bisita na hindi naapektuhan ang mga residente sa Metro Manila.