Target na simulan ng Pilipinas at India sa susunod na taon ang negosasyon sa panukalang Preferential Trade Agreement (PTA) para sa mas malagong ekonomiya ng dalawang bansa.
Ayon kay Indian Ambassador to the Philippines Harsh Kumar Jain, malaki ang ekonomiya ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nasa 11.6% ng gross domestic product, pero maliit o 3% lang ang bahagi nito sa kalakalan ng India sa rehiyon.
Dahil dito, nakikita ng India ang malaking potensyal na mapalago ito sa pamamagitan ng PTA.
Nagkasundo na aniya ang dalawang bansa sa terms of reference para sa negotiating committee, subalit hihintayin pang matapos ang ASEAN-India Trade in Goods Agreement sa susunod na taon.