Posibleng maging epektibo sa susunod na linggo at tatagal hanggang sa katapusan ng taon ang pagsuspinde ng excise tax sa kerosene at LPG kapag naaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Napirmahan na ni Finance Secretary Frederick Go ang rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para suspindehin ang fuel taxes, na ipapadala naman sa Office of the President para maaprubahan.
Ayon kay Go, masusing sumailalim ang rekomendasyon sa technical working committee bago ipadala sa DBCC.
Kumpiyansa naman ang kalihim na maaaprubahan ang rekomendasyon.
Kapag tinanggal ang buwis, bababa ng ₱37 ang presyo ng isang tangke ng LPG at mababawasan naman ng ₱5.65 ang bawat litro ng kerosene.