Aabot na sa ₱23.67 bilyon ang kabuuang tax refunds na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) mula Enero hanggang Setyembre 2026.
Halos doble ito sa ₱12.42 bilyong tax refunds na inilabas sa kaparehong panahon noong 2025.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, pinabilis ng ahensya ang paglalabas ng mga tax refund para maibalik agad sa mga taxpayer at negosyo ang perang nararapat sa kanila.
Makatutulong din aniya ang mas mabilis na refund processing sa cash flow ng mga negosyo at sa kanilang patuloy na operasyon, lalo na sa gitna ng nararanasang energy crisis.
“Tax administration is not only about collecting what is properly due to government. We must also return what is properly due to the taxpayer once the claim has been evaluated and approved,” Mendoza.