On-track pa rin ang Mindanao Development Authority (MinDA) sa pagsusulong ng Building a Better Mindanao o BBM program upang makamit ang sustainable growth, kapayapaan at economic modernization sa buong Mindanao.
Sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon kay MinDA Chairperson, Secretary Leo Tereso Magno patuloy ang pagtutok nila sa regional development initiative na BBM program hanggang sa taong 2028.
Bukod sa magandang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, ahensiya ng pamahalaan, at kasapi ng private sector ay naging mas malakas din ang ugnayan ng MinDA sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area o BIMP-EAGA upang mapataas ang economic activity sa rehiyon.
Kasado na rin ayon kay Magno ang ilan pang Public-Private Partnership initiatives na lalong magpapabilis ng pag-unlad sa Mindanao.