Photo courtesy of Philippine News Agency (PNA)
Inaprubahan na ng National Wages and Productivity Commission NWPC ang bagong wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board VII, na nagbibigay ng ₱42 dagdag sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Central Visayas.
Dahil dito sa bagong wage rates, magiging ₱582 ang arawang minimum wage sa Class A areas, at ₱542 naman sa Class B areas.
Inaasahang magkakabisa ang bagong sahod sa Oktubre 14, 2026, matapos ang kinakailangang publication period.
Sakaling mapatupad na ang dagdag-sahod, aabot sa ₱1,092 pesos ang dagdag sa buwanang sahod sa Central Visayas.
Unanimous na inaprubahan ito ng limang commissioners na dumalo, habang dalawang commissioner ang absent.
Kinumpirma ito ni DOLE Secretary at NWPC Chairperson Francis Tolentino sa deliberasyon noong Setyembre 26, 2026, sa DOLE Regional Office VII sa Cebu.