Photo courtesy of DSWD
Itinampok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahalagang papel ng pamilya sa pag-unlad ng lipunan.
Sinimulan ng ahensya ang National Family Week 2026 ngayong Setyembre 28, na may temang “Families, Equalities and Child Wellbeing.”
Ayon kay DSWD Operations Group Undersecretary Monina Josefina Romualdez, mahalaga ang matatag na pamilya sa paglaki, kapakanan at kinabukasan ng mga bata.
Kabilang sa mga programang tumutulong sa pamilya ang 4Ps, Sustainable Livelihood Program at Parent Effectiveness Service.
Ipinagdiriwang ang 36th Family Week mula Setyembre 21 hanggang 28, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 60.
Bahagi rin nito ang Kainang Pamilya Mahalaga Day, kung saan ipinatupad ang half-day work suspension sa mga tanggapan ng pambansang pamahalaan simula ala-1 ng hapon.