Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng kanyang administrasyon na isaprayoridad ang sektor ng edukasyon.
Binigyang-diin ito ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa Recognition of Programme for International Student Assessment Participating Schools and Education Partners sa lungsod ng Pasay kung saan ay binanggit nitong pinakamataas sa kasaysayan ang budget ng Education Department sa taong ito.
Kasabay nito ayon sa Pangulo ay ang pagsuporta rin sa mga mag-aaral at guro sa gitna ng pagnanais nitong mapaganda ang sistema ng edukasyon sa bansa.
Kasabay nito ay binigyang-diin din ng Pangulo ang pagtataguyod ng pamahalaan para matiyak ang safe environment para sa mga estudyante at ang nangyaring mga karahasan sa paaralan ay hindi aniya katanggap- tanggap.
Commited aniya ang gobyerno sa mga estudyante at magulang para hadlangan ang school violence at handang maglagay ng resources ang pamahalaan para matigil ang karahasan sa mga paaralan.