Bitbit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang balita para sa mga Pilipino, matapos ang matagumpay na pakikibahagi sa 2026 APEC Summit sa China.
“A significant milestone was the signing of the Philippines–Chile Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA), our first bilateral free trade agreement (FTA) with a Latin American country.” -Pangulong Marcos.
Sa arrival statement ng Pangulo, sinabi nito na nagkaroon siya ng magkakasunod na pulong kasama ang business leaders sa China, mula sa industriya ng electric vehicle, smart energy, electronics, at manufacturing.
Sabi ng pangulo, ang mga pakikipagpulong na ito, nagresulta ng P41.1 billion na halaga ng investment pledges.
Sa oras na maisakatuparan, inaasahang lilikha ito ng nasa 7,000 bagong trabaho, para sa mga Pilipino.
Samantala, sabi ng Pangulo, sa kaniyang pakikibahagi sa APEC Summit, ipinanawagan nito ang pagkilala sa educational at professional qualifications ng lahat sa rehiyon. Magbibigay daan kasi ito upang malayang makagalaw o ma-access ng Filipino goods, services, at talent ang merkado ng APEC region.
Isinulong rin ng Pangulo ang AI advancement, at pananatiling bukas at malaya ng paglalayag sa karagatan.
“Keeping them open and secure, in accordance with international law, including UNCLOS, protects the the supply chains on which all our economies depend.” -Pangulong Marcos.
Ipinunto rin ng Pangulo sa APEC leaders na kailangang magbunga ng nararamdamang pagbabago at oportunidad ang lahat ng mga natalakay sa summit. “These outcomes bring us closer to the Bagong Pilipinas we are building—one that sustains growth and secures the Filipino family. We will now work to turn these commitments into more jobs, more opportunities for our MSMEs, and better services for every Filipino.” -Pangulong Marcos.