Sa nakalipas na 24-oras, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon ng 13 volcanic earthquake ayon sa ulat ng ahensya ngayong September 28, 2026.
Umabot sa 752 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux ng bulkan batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya nitong September 27 at namataan din ang banaag sa bulkan.
May taas na 750-metro mula sa crater ang plume sa bulkan na nasa katamtamang at napadpad sa timog-kanluran, kanluran-timog-kanluran, hilagang-kanluran at hilagang-silangan.
Naitala rin ang panandaliang pag-impis ng bulkan, na may nagsisimulang pamamaga sa hilagang-silangang bahagi nito.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa bulkang Mayon kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone at ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko sa posibilidad ng pagguho ng bato, pag-itsa ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, uson, katamtamang pagputok, at pag-agos ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.