Aabot sa humigit kumulang 1,500 Tarlaceño ang napagsilbihan ng Metropolitan Manila Deveopment Authority (MMDA) nitong weekend.
Ito’y para maitawid ng ilog kasunod na rin ng pagguho ng Aquino Bridge bunsod ng mga pag-ulang dala ng sunod-sunod na bagyo at habagat noong Agosto.
Isinagawa ang special operation sa Tarlac, kasama ang MMDA Metro Parkways Clearing Group at Public Safety Division sa pamamagitan ng mga de-makinang rubber boat, life vest at 100-meter pontoon bridge na may bamboo handrails.
Alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at manggagawa na tumatawid araw-araw sa ilog habang patuloy ang pagkukumpuni sa Aquino Bridge.