Hindi ako Maka-paniwala parang nananaginip ako.
Ito ang naging inisyal na reaksyon ni Mary Jane Veloso ng malamang napirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang absolute pardon para sa kanya.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, masayang inilahad ni Mary Jane ang mga sandaling natanggap nito ang balita.
Sa nasabi ding panayam nabanggit ng dating OFW ang nais nitong gawin ngayong nakamit na nito ang kalayaan at kapiling na ang kanyang pamilya sa Nueva Ecija.
Matatandaang 15 taong nakulong sa Indonesia si Mary Jane sa kasong drug trafficking na may kaakibat na parusang kamatayan ngunit nagawang masuspinde dahil sa intervention ng pamahalaan hanggang sa mai-turn over ng Indonesian government sa Pilipinas si Mary Jane nitong 2024.