Titiyakin ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon ng mga kagamitang makatutulong sa mga pulis upang maging mabiilis at mas angkop ang kanilang pagtugon sa anumang emergency call na magbubuhat sa Unified Emergency Hotline 911.
Ito’y makaraang mapagtala ang sistema ng 96.51% efficiency rate mula Enero hanggang Agosto ngayong taon na makapagbibigay mas mabilis at mahusay ang pagaksyon sa mga pangangailangan at hinaing ng publiko.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., magsisilbing hamon ito ngayon sa lahat ng pulis upang makamit ang 100% efficiency rate sa pagtugon sa Unified 911 Hotline.
Giit ng PNP Chief, bawat segundo ay mahalaga kaya’t wala dapat masasayang na oras upang makasagip ng isang buhay dahil ito aniya ang ninanais na resulta ng taumbayan.
Kabilang ang pagdaragdag kagamitan ng mga pulis sa mga prayoridad sa pondo ng PNP para sa taong 2027 gayundin ng iba pang resources para sa pagtugon sa mga emergency.