Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga maliliit na negosyante na maaari silang humiling ng exemption mula sa taas sahod.
Ayon sa DOLE, ang mga maliliit na retail o service establishment na hindi lalagpas sa 10 empleyado o ang mga apektado ng “natural calamities o mga human-induced disasters” ay maaaring mag-apply ng wage hike exemption.
Mayroon lamang 75 araw ang mga employer na mag-apply mula nang maging epektibo ang wage order.
Marapat aniya na ipasa ito sa Regional Wage Boards sa kanilang mga regional office ng DOLE.
Habang ang mga registered barangay micro business enterprises o may total na assets na ₱3 milyon pababa ay hindi sakop ng Minimum Wage Law na nakasaad sa Section 8 ng batas.
Kapag ang isinumiteng exemption ay hindi tinanggap ng DOLE ay marapat na ipatupad na ng employer ang bagong wage order.