Davao Flood Control Project, malapit nang makumpleto
Malapit nang matapos ang emergency flood control project sa Davao City. Matatagpuan ito sa kahabaan ng Talomo River sa Barangay Bangkal.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, inaasahang makukumpleto ang proyekto bago matapos ang taong kasalukuyan o mas maaga pa.
Nasa ₱100 milyong ang inilaang pondo ng DPWH sa proyekto.
Una nang nasira ang flood control project matapos ang baha noong July 24.
Samantala, plano ng kagawaran na itaas ang tulay sa lugar para maging kapantay ng flood protection measure.