Naging ligtas at maayos ang tatlong araw na transport strike ng PISTON at MANIBELA sa Quezon City mula September 28 hanggang 30.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), walang naitalang major untoward incident sa lungsod sa buong panahon ng aktibidad.
Bukod sa pagtitiyak ng seguridad, nag-deploy ng mga tauhan ang QCPD sa mga pangunahing lansangan, transport hubs at convergence points para tumulong sa traffic management at nagbigay din ng Libreng Sakay na nakatulong sa 192 pasahero sa panahon ng transport strike.
Pinuri naman ni Acting District Director Police Brig. Gen. Christopher Olazo ang mga QCPD personnel sa kanilang pagiging mahinahon at propesyonal sa pagtugon sa aktibidad, na nakatulong para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Patuloy namang igagalang ng QCPD ang karapatan sa mapayapang pagtitipon at susundin ang prinsipyo ng maximum tolerance sa pagtugon sa mga katulad na aktibidad.
📸 QCPD

