LRT 2, may libreng sakay para sa mga may National ID ngayong araw
Bilang pakikiisa sa National Statistics Month, maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 2, ngayong araw.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) na namamahala sa LRT2, ang libreng sakay ay para sa mga pasaherong mayroong National ID.
Epektibo ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at masusundan mamayang alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ipakita lamang sa mga station personnel ang physical National ID card, printed paper o digital copy para makapag-avail ng libreng sakay.