Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pangunguna ni Labor Secretary Francis N. Tolentino, ang Sagip-Trabaho program para matulungan ang mga kwalipikadong small and medium enterprises na apektado ng pagtaas ng minimum wage.
Sa ilalim ng programa, maaaring makatanggap ang mga kuwalipikadong negosyo ng wage subsidy para sa hanggang 35 rehistradong manggagawa sa loob ng hanggang 90 araw.
Sasagutin ng subsidy ang halagang ipinatupad na wage increase, gaya ng ₱60 dagdag-sahod sa Metro Manila.
Kailangang patuloy na bayaran ng mga employer ang kontribusyon sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at ECC, at tiyaking mananatili sa trabaho ang mga manggagawa.
Kabilang sa requirements ang Job Preservation and Business Continuity Plan, kasunduan ng employer, DOLE at mga manggagawa, at iba pang dokumentong isusumite sa DOLE Regional o Field Office.
Ang Sagip-Trabaho ay bahagi ng 2026 TUPAD Program Development Plan na layong mapanatili ang trabaho at maiwasan ang pagsasara ng maliliit na negosyo.