Photo courtesy of Civil Defense - Caraga
Aabot sa 37,370 pamilya o katumbas ng 256,681 indibidwal sa rehiyon ng Caraga ang apektado ng El Niño phenomenon.
Kabilang sa nararanasan sa rehiyon ang matinding init, matagal na tagtuyot at kakulangan sa tubig, lalo na sa Dinagat Islands at Butuan City.
Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat (4) na lokalidad ang kasalukuyang walang regular na supply ng tubig, habang 39 insidente ng grass fire ang naitala.
Apektado rin ang sektor ng agrikultura, kung saan 5,179.53 ektarya ng mga pananim ang naapektuhan at umabot sa mahigit ₱197.5 milyon ang naitalang production loss at pinsala.
Samantala, pumalo na sa siyam (9) na lokalidad sa CARAGA ang isinailalim na sa State of Calamity
Sa buong bansa, 96,012 pamilya o 353,675 indibidwal na ang nakararanas ng epekto ng El Niño, kabilang na ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, CALABARZON at Bicol.