Namayagpag ang mga kababaihang peacebuilders sa Gawad Kapayapaan 2026, tampok ang mga indibidwal at organisasyong may mahalagang ambag sa peace education, conflict transformation at reintegration sa bansa.
Kabilang sa mga tampok na peace advocate si Dr. Loreta Navarro-Castro, na mahigit tatlong dekada nang nagsusulong ng peace education sa Pilipinas.
Itinatag niya ang Center for Peace Education sa Miriam College at naging bahagi ng mga hakbang para maisama ang peace education sa basic at higher education. Kabilang din sa kaniyang mga inisyatiba ang Whole School Approach sa peace education at mga programa para sa educators at kabataan.
Tampok din ang Teach Peace Build Peace Movement, Inc., Gagandilan Mindanao Women, Inc., Mindanao State University (MSU)-General Santos Institute for Peace and Development in Mindanao (IPDM) at Provincial Government of Northern Samar, na nagsusulong ng community-based peacebuilding, reintegration at inclusive development.
Kabilang naman sa mga dating pinarangalan sina Cardinal Orlando Quevedo, Provincial Government of Basilan, dating DBM Sec. Amenah Pangandaman, at dating Pangulong Fidel V. Ramos, kasama ang iba pang peace champions.