Simula na ngayong Huwebes, Oktubre 1, 2026 ang pulong ng Budget Amendments Review Subcommittee o BARSc para talakayin ang mga panukalang amyenda sa 2027 General Appropriation Bill.
Ayon kay House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil, magsisimula ang BARSc proceedings ala-una ng hapon at ila-livestream sa official platform ng Kamara
Layunin nitong matiyak ang transparency at mabigyan ang publiko ng direktang access sa deliberasyon sa mga panukalang amendments sa pambansang budget.
Sinabi ni Garafil na lahat ng inaprubahang amendments ay ilalahad line by line para makita at masubaybayan ng publiko.
Sa pamamagitan ng livestream, masusundan din ng media at publiko ang mga talakayan at mga pagbabagong inaprubahan ng subcommittee.
Matatandaan na kabilang sa mga ipinatupad na reporma ng Kamara sa budget process ang pagbuwag sa small committee at ipinalit ang BARSc