Panibagong warrant of arrest ang kinakaharap ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, inisyu noong October 30 ang bagong warrant of arrest laban sa kanya.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Co na tuloy-tuloy ang manhunt operation ng PNP laban kay Ang at hindi muna maaaring isapubliko ang iba pang detalye ng operasyon.
Bineberipika rin ng PNP ang impormasyong natanggap ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nasa ibang bansa na umano si Ang.
Hinikayat din ni Co si Ang na sumuko kung naniniwala itong wala siyang kasalanan, para maharap niya ang mga kaso at mapakinggan ang kanyang panig.
Matatandaang na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 175 ang warrant, na walang inirekomendang piyansa, laban kay Ang at sa dating pulis na si Ryan Jay Orapa, kaugnay ng kaso ng mga nawawalang sabungero. | ulat ni Diane Lear