Inaprubahan ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSC) ang dagdag na confidential at intelligence funds para sa ilang ahensya sa ilalim ng panukalang 2027 national budget.
Humingi ang Department of Justice-Office of the Secretary ng dagdag na ₱30 milyon para sa confidential fund, habang ₱50 milyon naman na confidential fund ang idinagdag sa pondo ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Deputy Speaker Janette Garin, kailangan ng NBI ng karagdagang pondo dahil sa mga hamong dulot ng social media, kabilang ang tumataas na kaso ng scams, terrorism, illegal gambling, at iba pang ilegal na aktibidad.
Samantala, dinagdagan ng ₱50 milyon ang confidential fund ng Office of the Ombudsman para palakasin ang anti-corruption investigations.
Para naman sa DILG-NAPOLCOM, ₱10 milyon ang inaprubahang dagdag para sa confidential at intelligence funds nito para sa independent police oversight.