Nakahanda na ang Department of Agriculture (DA) para sa KADIWA ng Pangulo Expo 2026, na layong palawakin ang market access at livelihood opportunities para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ito na ang ikatlong taon ng expo na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay mula October 8-10.
Tampok muli rito ang farmers, fisherfolk, Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs), government partners, institutional buyers, consumers, at iba pang stakeholders para ibida ang mga lokal na produktong agrikultural at pangisdaan.
Ayon sa DA, sa tulong ng Expo, patuloy na pinalalawak ng KADIWA ng Pangulo ang mga oportunidad para sa mga producer na makahanap ng mas malawak na merkado at makapagtatag ng market linkages.