Less budget, more value for Filipinos.
Ito ang tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto kasunod ng ginawang pag-endorso ng Mataas na Kapulungan sa ₱10.15 billion budget ng Office of the President (OP) para sa susunod na taon.
Ang nabanggit na budget ay higit na mas mababa ng 64% allocation kumpara sa kasalukuyang taon.
Kinakatawan din ng nasabing proposed OP budget ang 0.14%, o one-seventh ng isang porsiyento ng proposed ₱7.2-trillion national budget.
Sinabi ni Recto na bagamat mas mababa ang proposed budget na hiningi ng OP sa papasok na taon ay handa namang mas magtrabaho pang lalo ang Tanggapan ng Pangulo.
Kasabay nito ay muling pinagtibay ng kalihim at mga opisyal ng Office of the President ang commitment ng Administrasyon na makipagtulungan sa Senado para sa kapakanan ng mga Pilipino at pambansang interes.