Pinagtibay ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ang paggamit ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) records na may impormasyon sa foreign currency deposits sa impeachment trial.
Ayon kay Escudero, hindi saklaw ng absolute confidentiality sa ilalim ng Foreign Currency Deposit Act ang impormasyong lehitimong naiulat na sa AMLC.
Hindi rin aniya direktang inuutusan ang mga bangko na ibunyag ang foreign currency deposits at ang AMLC witness, na si Atty. Ronel Buenaventura, ay magpapatotoo lang sa mga record na nasa legal na pag-iingat na ng ahensya.
Binigyang-diin ni Escudero na hindi maaaring gamitin ang confidentiality rules para hadlangan ang mandato ng AMLC at ang pagdinig ng Impeachment Court.