Kinumpirma na ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad ng KSLV-II rocket mula sa Naro Space Center sa South Korea kaninang 11:25 AM, October 7, na may dalang 15 satellite.
Ayon sa PhilSA, maaaring mahulog ang debris sa dalawang itinalagang drop zone sa loob ng Manila Flight Information Region o FIR.
Ang Drop Zone 1 ay nasa humigit-kumulang 387 nautical miles mula Santa Ana, Cagayan at 391 nautical miles mula Babuyan Island.
Ang Drop Zone 2 naman ay nasa 213 nautical miles mula Boston, Davao Oriental; 214 nautical miles mula Siargao Island; at hanggang 232 nautical miles mula San Policarpo, Eastern Samar.
Naglabas ang PhilSA ng pre-launch advisory sa mga kinauukulang ahensya bago ang paglulunsad.