Magtatayo ng rainwater impounding facilities sa tatlong lugar sa Maynila.
Alinsunod ito sa kasunduan na nilagdaan nina MMDA Chair Dona Artes at Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.
Sakop ng mga proyekto ang Remedios Circle, Rajah Sulayman Park at Vito Cruz ASEAN Garden sa Cultural Center of the Philippines Complex.
Bahagi ito ng P4-bilyong programa para sa rainwater catchments, na magsisilbing pansamantalang imbakan ng sobrang tubig-ulan bago ilabas kung kinakailangan.
Titiyakin naman ng MMDA na hindi mag-o-overlap ang mga proyekto sa kasalukuyang projects ng Department of Public Works and Highways.