Photo courtesy of San Juan Police
Kinumpirma ni San Juan City Police Chief PCol. Anthony Gantang ang pagkakarekober ng iba’t ibang explosive materials sa kanto ng Road 7 at Road 5 sa Barangay West Crame kaninang alas-7 ng umaga.
Ito ay nasa 300 metro lamang ang layo mula sa PNP Headquarters sa Camp Crame.
Sa phone interview ng PNP Press Corps sa Camp Crame, sinabi ni Gantang na isang garbage collector ang nakakita sa bag na nakasilid sa sako sa basurahan nang mapansin niyang may granada sa loob nito at agad niya itong iniulat sa barangay.
Kabilang sa mga narekober ang rifle grenade, grenade launcher, at mga dummy grenade na ginagamit umano sa pagsasanay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, walang pulbura ang mga granada at improper disposal of explosive materials ang nangyari.
Paalala niya, dapat isinuko ang mga ito sa PNP para maayos na ma-dispose, dahil tiyak na matatakot ang ordinaryong mamamayan kapag nakakita ng granada.