Inilatag ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero ang magiging schedule ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte, na nakatakdang magpatuloy sa November 9.
Ayon kay Presiding Officer Chiz Escudero, magsisimula ang pagdinig sa November 9 at 11, alas-10 ng umaga hanggang alas-6 o alas-6:30 ng gabi.
Sa November 9 at 11, maaari munang magsagawa ng sesyon ang Senado bilang legislative body sa hapon bago muling magpatuloy ang impeachment trial, depende sa pangangailangan ng plenaryo.
Itinakda naman ang mga whole-day hearing sa November 10, 12, 13, 19, at 20.
Habang hanggang alas-2 naman ng hapon ang magiging paglilitis sa November 23.
Ipinaliwanag ni Escudero na kailangang habulin ang mga araw na mawawala sa Impeachment Trial dahil sa budget hearings, mga aktibidad kaugnay ng ASEAN at mga holiday.
Sa ngayon, 20 trial days ahead na ang Impeachment Court sa inaasahang schedule dahil sa mga whole-day hearing, pero inaasahang magiging tatlong araw na lamang ito pagsapit ng November 9 matapos ang recess.