Pinuna at labis na ikinabahala ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagnanakaw ng mga piyesa ng generator set sa Diokno Pumping Station sa Lungsod ng Maynila.
Binigyang-diin ni Dizon na napakahalaga ng papel ng mga pumping station sa pagpapababa at pag-aalis ng tubig-baha, lalo na tuwing umuulan.
Ayon sa kalihim, ang anumang uri ng aberya o pagkagambala sa operasyon ng mga ito ay maaaring magpalala ng baha at magdulot ng panganib at perwisyo sa mga komunidad na malapit dito.
Kasabay nito, inihayag din ni Dizon ang posibilidad na may kinalaman ang mga kawani o may naganap na “inside job” sa insidente.