Bahagya pang tumaas ang lebel ng tubig sa ilang pangunahing dam sa bansa, sa kabila ng banta ng Very Strong El Niño na inaasahang magdudulot ng matinding init at tagtuyot.
Sa monitoring ng PAGASA, as of 8am ngayong October 16, nakapagtala ng pagtaas sa water level ang Angat, Ipo, La Mesa, Ambuklao, San Roque, at Pantabangan Dam.
Tumaas ng 0.07 meters ang Angat Dam at naitala sa 209.31 meters na kaunti nalang ang agwat mula sa normal high water level nito.
Ang Ipo Dam naman ay tumaas ng 0.02 meter at umabot sa 100.73 meters.
Tumaas din ang antas ng La Mesa Dam na naitala sa 79.41 meters gayundin ang Ambuklao Dam na umabot sa 751.17 meters.
Samantala, parehong tumaas ng 0.08 meter ang San Roque at Pantabangan Dam.