Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na saklaw na rin kanilang Guarantee Coverage para sa mga tinatawag na Heat Related Illnesses dulot ng epekto ng matinding tagtuyot.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na gumawa ng mga proactive na mga hakbang para ibsan ang pasanin ng mga Pilipino.
Hinimok ng PhilHealth ang bawat pamilya na magrehistro at bisitahin lamang ang pinakamalapit na Yakap centers para naman makapag-avail ng in-patient o out-patient
Salig sa Unified National Agenda for Health, sinabi ng State Health Insurer na nakikipag-ugnyan na sila sa Department of Health (DOH) para maagapan ang mga sakit na maaaring makuha sa tag-init.
Kabilang na rito ang heat stroke, dehydration, asthma, hypertension, dengue at water borne diseases
Makikita sa social media platforms gayundin sa website ng PhilHealth ang halaga ng mga maaari nilang sagutin na nakadepende sa kundisyong medikal.