Nagbabala ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa mga nagbebenta ng bigas na iwasang ihalo ang mga lokal at imported na bigas para pataasin ang presyo nito.
Iyan ay matapos mabisto ng mga awtoridad ang naturang modus nang salakayin nila ang isang bodega ng bigas sa Brgy. Malaienen Bago, Naic, Cavite.
Katuwang ng CIDG sa naturang operasyon ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Bureau of Customs (BoC).
Ayon kay CIDG Director, Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, bukod sa mga batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili, nakaaapekto rin ito kaligtasan ng mga konsyumer.
Pinuri naman ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga nagkasa ng operasyon para mahuli ang mga nagtatangkang linlangin ang publiko dahil sa hinalong bigas.

