Pagkakulong at pagbabayad danyos ang parusa sa paglabag sa Magna Carta for Disabled Persons.
Ito ang naging pahayag ni Executive Director III Glenda Relova ng National Council On Disability Affairs sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Aniya, depende sa ebidensya at ruling ng Korte at bigat ng paglabag, maaaring patawan ng ilang taong pagkakulong o pagbabayad ng danyos o parehong sabay na maipataw ang parusa sa lumabag sa Magna Carta for Disabled Persons.
Ang pahayag na ito ni Executive Director Relova ay sa harap ng naging mga pahayag ng mga podcasters ng programang “Machong Chismisan” kung saan nagbitaw ng mga pahayag ang ilan sa mga podcasters hingil sa kalagayan ni Joshua Aquino, panganay na anak ni Kris Aquino na anak ng dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.
Si Joshua o kilala din sa tawag na Josh ay napapabilang sa Autism Spectrum na nakita na sa kaniya simula pa ng kaniyang kabataan.
Umani ng negatibong reaksyon ang mga naging pahayag ng mga podcasters ng nasabing programa mula sa publiko at malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya Aquino maging sa mga mambabatas.
Panoorin ang bahagi ng pahayag sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/1134330795768086