Patuloy at mabilis na gumagaling si Pope Leo XIV mula sa isinagawang operasyon sa kaniyang baga noong October 13, batay sa inilabas na ulat ng Vatican na nagpapakita ng normal na resulta sa kaniyang pinakahuling medikal na pagsusuri.
Sa update na ibinahagi ni Father Gregory Ramon Gaston, rektor ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, ipinahayag ng Holy See Press Office na maganda ang resulta ng chest X-ray na isinagawa upang masuri ang paggaling ng bagong operahang baga ng Santo Papa.
Idinagdag pa ng Vatican na naisasagawa na nang mag-isa ng Santo Papa ang kaniyang mga pang-araw-araw na gawain.
Matagumpay din niyang natapos ang buong sesyon ng kaniyang physical therapy at mga ehersisyo noong Thursday, October 15.