Posibleng tumaas ang economic growth sa 5.1% sa darating na taon kapag naayos na ang catch-up spending para sa mga proyekto ng bansa, ayon sa isang ekonomista at base na rin sa nakikita ng International Monetary Fund (IMF).
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort, sinabi nito na halos magkakapareho ng pananaw ang mga Credit Rating Agency, World Bank, IMF at iba pang international communities pagdating sa pagtaas ng ekonomiya ng isang bansa.
Ayon kay Ricafort, pagdating sa ekonomiya ng Pilipinas, nakasanayan na nila na umaabot sa 5-6% ang paglago tuwing una hanggang ikatlong bahagi ng taon na pinakamabilis sa Southeast Asia kumpara sa mga karatig bansa.
Ang nakaaapekto lamang aniya ay ang under spending nitong nakalipas na taon na kasaluyan nang inaayos upang matugunan na ang tamang paggastos nang hindi na matulad sa anomalous flood control scandal.
Ayon pa sa ekonomista, kapag naayos na ang pamumuno at sistema sa gobyerno, magdadagsaan ang mga international investor at direktang pamumuhunan sa bansa.