Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang paghahanda sa mga sementeryo sa lungsod para sa nalalapit na paggunita ng Undas.
Kabilang dito ang pagsasaayos ng mga daanan sa loob ng mga sementeryo para matiyak ang mas ligtas at maayos na pagbisita ng publiko.
Sa pangunguna ng City Engineering Department, sinimulan na ang pag-aaspalto sa Tala Cemetery, partikular sa bahagi mula sa Gate 3.
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod na patuloy ang mga paghahanda para maging maayos ang pagdalaw ng mga pamilya sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.
