Screenshot
Nagbunga ng positibong epekto sa lokal na ekonomiya ang katatapos na halalan sa Estados Unidos, matapos muling lumakas ang halaga ng piso kontra sa dolyar at tumaas ang interes ng mga mamumuhunan sa Philippine Stock Exchange (PSE).
Batay sa opisyal na datos mula sa Bankers Association of the Philippines (BAP), nagsara ang palitan ng piso sa 62.97 kada dolyar.
Samantala, naitala naman ng PSE ang pagtatapos sa antas na 63.535 sa mga shares of stocks, na malaki ang naiambag sa pagganda ng takbo ng lokal na pananalapi.
Ayon sa mga eksperto, ang paglakas na ito ay nagpapakita ng pagtaas ng kumpiyansa ng mga investors, kasabay ng inaasahang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Binigyang-diin ni RCBC Chief Economist Michael Ricafort na ang pagbawi ng piso ay pangunahing naiuugnay sa malaking ibinaba ng mga presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Magandang balita rin ito para sa mga motorista at pangkalahatang publiko, dahil inaasahang magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
ito ay dahil sa nakikitang katapusan ng digmaan sa Middle East, lalo na nang makuha ng partido ng Democrats ang kontrol sa Kongreso ng Estados Unidos matapos ang eleksyon. | ulat ni Melany Reyes