Ikinatuwa ng prosecution panel ang desisyon ng Senate impeachment court na tanggapin ang halos lahat ng ebidensyang nakapaloob sa kanilang Formal Offer of Evidence laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, mahalaga ang ruling ng presiding officer dahil pinabulaanan nito ang argumento ng depensa na hindi dapat tanggapin ang mga ebidensyang hindi orihinal na nakalakip sa impeachment complaint.
Binigyang-diin ni Kapunan na hindi rin maituturing na fishing expedition ang pangangalap at paghaharap ng prosecution ng mga dokumento.
May sapat din aniyang batayan ang prosecution upang magpresenta ng mga financial record bago pa man maging bise presidente si Duterte.
Mahalaga ang mga naturang dokumento bilang baseline upang maikumpara ang kanyang dating yaman at mga deklarasyon sa mga sumunod na financial record.
Kabilang sa mga tinanggap ng impeachment court ang mga dokumentong may kaugnayan sa SALN, bank records at ulat ng Anti-Money Laundering Council.
Hindi naman tinanggap ang ebidensyang may kaugnayan sa JTC Corporation ang hindi in-admit ng korte.
Gayunman, nilinaw ni Kapunan na ang pagtanggap sa mga ebidensiya ay hindi pa nangangahulugang napatunayan na ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente.