Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatili silang alerto at nakatutok sa mga papasok na financial data bunsod ng magiging epekto ng mga huling kaganapan sa Middle East at ang umiiral na El Niño sa pangkalahatang sitwasyon ng ekonomiya at inflation sa bansa.
Ginawa ng sentral bank ang pahayag matapos pumalo sa 7.8 percent ang inflation noong Oktubre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, pasok ang naturang tala sa kanilang forecast range na 7.1% hanggang 8.1% percent.
Naaayon din ito sa inaasahan ng BSP na mananatiling mataas ang inflation sa mga susunod na buwan.
Ito ay dahil sa pagmahal ng presyo ng lokal na gasolina, singil sa pamasahe, at enerhiya.
Tumaas din ang core inflation kaya nakaapekto ito sa pinakamahihirap na pamilya o sa lowest 30% income households.