Umiiral pa rin ang nauna nang utos ng Malacañang sa mga tanggapan ng pamahalaan na magtipid sa resources sa gitna ng nararanasang epekto sa bansa ng Middle East Crisis.
Ito ang ipinaalala ni Communications Undersecretary Claire Castro sa gitna ng mga paghahanda ng government offices para sa inaasahang epekto ng tag-tuyot sa Pilipinas.
Ayon kay Castro, kahit na hindi na muling ipag-utos ng Palasyo, dapat alam na ng mga ahensya ng gobyerno ang pananatiling simple ng kanilang mga kaganapan para sa selebrasyon ng Pasko, lalo’t marami pang kahaharaping usapin ang bansa at marami pang isyu ang dapat na tuguan.
Kaugnay nito, una na ring siniguro ng Palasyo na patuloy ang mga paghahanda ng gobyerno upang matiyak ang matatag na supply ng pagkain, tubig, at enerhiya sa Pilipinas, bilang tugon sa El Niño.